Dr. Pang Pasma

IN : Products  |  Organic Herbal Nature


LOADING IMAGES

FAQs

1. ANO ANG MGA SANGKAP NG DR. PANG PASMA?
- Ang Dr. Pang Pasma ay may nilalamang ginseng, na nakatutulong iwasan ang pagod at stress. Meron din itong royal jelly at ginger, na parehong nakatutulong labanan ang sama ng katawan.

2. NAKAGAGAMOT BA ANG DR. PANG PASMA NG PAGPAPAWIS NG KAMAY, PAA, ATBP?
- Sa araw-araw nating pagkayod sa trabaho, madalas tayong ma-stress. At alam niyo ba na ang pagpapawis ng kamay at paa ay maaaring sanhi ng stress? Opo, may ebidensya na ang pagpapawis ng lubusan ay may koneksyon sa stress at anxiety. At para makatulong umiwas sa stress, uminom na ng Dr. Pang Pasma. May ingredients ito na sumusuporta laban sa stress, pagod at sama ng katawan.

Maaari ding ibang karamdaman ang sanhi ng pagpapawis natin, kaya mas mabuti nang kumonsulta sa doktor.

3. TOTOO BANG MAY "PASMA", AT NALALABANAN BA ITO NG DR. PANG PASMA?
- Ayon sa mga doktor, walang medikal na term na “pasma”. Pero base sa kulturang Pilipino, ang salitang pasma ay tumutukoy sa pagkaroon ng sama ng katawan at pagpapawis na maaaring sanhi ng stress at pagod.

Kadalasan pag nagpapawis ang mga kamay at paa natin, o di kaya’y napapagod at nananakit ang katawan natin, tinatawag natin itong pasma. Kahit wala mang medikal na term ito, may mga nararamdaman tayong kondisyong medikal na tinatawag sa kultura natin bilang pasma.

Maaari ding ibang karamdaman ang sanhi ng sama ng katawan, kaya mas maigi pong kumonsulta sa doktor.

4. ILANG TABLETA NG DR. PANG PASMA ANG PWEDENG INUMIN SA ISANG ARAW?
- Maaaring uminom ng hanggang apat na tableta ng Dr. Pang Pasma sa isang araw. Minimum po ang isang tableta.

5. MAY SIDE EFFECTS BA PAG UMINOM NG DR. PANG PASMA?
- Ang Dr. Pang Pasma ay isang herbal supplement, kaya wala po itong known side effects. Pero para sa safety precautions, hindi ito pwede sa mga maliliit na bata, buntis, at nagpapa-breastfeed.

6. MAGKANO ANG DR. PANG PASMA AT SAAN ITO NABIBILI?
- Ang Dr. Pang Pasma ay available sa pinakamalapit na Mercury Drug stores at Generika branches nationwide sa halagang P7.50 lamang kada tableta.


P 7.50
Qty :